Isiniwalat ni Sen. Raffy Tulfo na umano'y nakaalis na ng bansa ang inirereklamong vlogger couple na sina Yexel Sebastian at Mikee Agustin.
Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, napag-alaman na nakalipad na papuntang Naguya, Japan ang dalawa. May mga kakilala umano ang Senador na nakakitang nakasakay na ng eroplano ang dalawa.
"Meron akong kakilala na kasabay sa eroplano nitong magkasintahan. Sakay ng Cebu Pacific going to Naguya, Japan. Hindi ko alam kung ito ay tumatakas na o baka pupunta ito sa Naguya para mang-recruit na naman ng mga investors."
Nakarating sa tanggapan ni Sen. Raffy Tulfo ang reklamo laban sa dalawa ng mga ini-scam umano nilangg investors na pinangakuan nila ng malaking interest rate buwan-buwan.
Karamihan naman sa mga nabiktima ng dalawa ay mga OFW's.
Sa kabilang banda, kinwestiyon naman ni Raffy Tulfo kung bakit nakalabas pa rin sa bansa ang magkasintahan kahit maingay na ang pangalan ng dalawa bilang mga scammers.
Gayunpaman, ayon sa immigration ay hindi naman nila maaring pigilan ang dalawa dahil wala naman umanong inilabas na warrant of arrest at dahil na rin sa right to travel.
Samantala, wala pa talagang nakakaalam kung saan sa Naguya, Japan ang dalawa. Sa ngayon nanggagalaiti sa galit ang mga taong na-scam ng dalawa kung saan hinihiling nila na sana ay ibalik na ng mga ito ang kanilang perang pinaghirapan.