Vice Ganda Tinira Ang Kamikazee Sa Kanyang Concert


 Usap-usapan ngayon sa social media ang ilang mga video clips na kuha mula sa concert ni Vice Ganda sa Sorsogon.


Marami kasi ang nakapansin na ilang beses umanong pinasaringan ni Vice Ganda ang bandang Kamikazee na naunang pinalayas sa nasabing lugar.


Matatandaan na hindi nakapag perform ang bandang Kamikazee matapos silang paalisin ng Governor ng Sorsogon dahil sa umano'y pambabastos nila rito.


Dahil dito, sa airport nakapagpalipas ng gabi ang banda dahil hindi sila pinatuloy sa residencia na dapat nilang tuluyan.


Agad naman umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga fans ng Kamikazee ang mga biro ni Vice Ganda. May mga nagsasabing sumusubra naman umano ito sa pambabanat gayung hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang Kamikazee.


May mga fans pa na nagsasabing sumubra naman umano ang Governor ng Sorsogon sa pagpapalayas ng Kamikazee.


"YAN Ang pinaka ga* go Vice 🐴 vice Ganda comedy bar sketch umalis ka na vice Ganda"