Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang pagpaparetoke ng social media influencer na si Antonette Gail Del Rosario.
May mga netizens ang hindi nasisiyahan sa ginawang pagpaparetoke ni Antonette Gail dahil hindi na umano ito kailangan pang gawin.
May mga nagsasabi pa na puro na lamang umano pagpaparetoke ang kanyang inuuna at hindi ang makapagtapos sa pagpapaaral at magpokus na lamang sa pag-aalaga ng kanilang anak ni Whamos.
Tila narindi na rito si Antonette kaya naman, sinagot na niya ang mga pasaring na ito ng mga netizens. Isiniwalat niya na kasalukuyan siyang nag-aaral habang inaalagaan niya si Baby Meteor.
Ipinakita pa ni Antonette ang kanyang Certificate of Recognition kung saan makikitang nakakuha siya ng grade na 1.14.
Sa kasalukuyan ay nasa second year college na umano siya sa kursong Marketing Management at nag-aaral siya online habang inaalagaan niya ang anak nila ni Whamos.