Pansamantalang nakalaya ang kontrobersyal na Drag Queen na si Pura Luka Vega sa pamamagitan ng pagbibigay ng pyansa sa halagang 72,000.
Kaagad na nakalaya si Pura Luka Vega matapos makalikom ng kanyang mga fund raisers ng mahigit sa kalahating milyong piso.
Noong September 7, nabayaran ni Pura Luka Vega ng P72,000 na piyansa matapos makalikom ng mahigit P550,000 ang kanyang mga kaibigan at tagasuporta para suportahan ang kanyang legal battle laban sa dalawang religious group na nagsampa ng mga kaso kasunod ng kanyang drag performance ng ‘Ama Namin remix’.
Bukod sa paghingi ng donasyon, nagsimulang magbenta ng mga mechandise ang mga tagasuporta ni Pura Luka Vega para makatulong sa mga kasong kinakaharap ng drag queen na maaaring umabot pa sa Korte Suprema.
Sa kabila ng mga kasong kinakaharap ni Pura Luka Vega naninindigan pa rin siya na wala siyang kasalanan dahil nagpapakita lamang siya ng art.