Pura Luka Vega, Tumanggi Hindi Hihingi Ng Paumanhin Matapos Makalaya


 Naninindigan ang kontrobersiyal na Drag Queen na si Pura Luka Vega na hindi niya kailangang humingi ng paumanhin sa kanyang ginawa sa kabila ng kanyang pagkakakulong.


Pansamantalang nakalaya mula sa Manila Police Station si Pura Luka Vega matapos makapag pyansa matapos ang ilang araw na pagkakabilanggo dahil sa mga kasong isinampa sa kanya ng grupong 'Hijos del Nazareno’.


Matapos makapagbigay ng piyansa na nagkakahalaga ng 72,000, sinabi ni Pura Luka Vega na pakiramdam niya ay wala na siyang dapat ihingi ng tawad matapos na magsagawa ng remixed version ng ‘Ama Namin’ habang nakasuot ng costume ni Hesus noong Hulyo.


“If I apologize, what do I apologize for? Cause I do apologize if they get offended, but the ownership of Jesus is something that I think anyone can own,” said Pura. “Anyone can have a strong belief of Jesus. Anyone can also express their faith, no matter how different it may be.” 


Sa kabila nito nilinaw naman ni Pura Luka Vega na naniniwala pa rin siya sa Panginoon.


“I don’t think I would apologize for that. I strongly believe in the divine being. I strongly believe that Jesus is really for everyone, including the queer people.”


Bukod sa kanyang 'Ama Namin' performnce ilang beses pang ginamit ni Pura Luka Vega ang Jesus Christ costume sa mga nakakatuwang paraan.


Naglabas din siya ng reaction video kung saan ni rate niya ang 'host' na ginagamit ng mga paring Katoliko.