‘Ang Probinsyano’ Actor Ricardo Cepeda, Himas Rehas Dahil Sa Kasong Estafa


Kinakaharap ngayon ng beteranong aktor na si Ricardo Cepeda ang mabibigat na kaso na maaaring magpakulong sa kanya ng habang buhay. 


Ayon sa ulat ng mga awtoridad, naaresto si Cepeda sa isang restaurant sa Caloocan City.


Nahaharap siya ngayon sa kasong syndicated estafa, isang non-bailable charge kung saan maaari siyang ng makulong habang buhay.


Sa ngayon ay hindi pa ipinapalabas kung magkanong pera ang sangkot sa nasabing kaso.


Gayunpaman, ang mga kaso ng syndicated estafa ay karaniwang may kinalaman sa malaking halaga ng pera na umaabot sa milyun-milyong piso.


Si Ricardo Cepeda ay dating asawa ng beteranang aktres na si Snooky Cerna. Naging bahagi rin siya ng pinakamatagal na palabas ni Coco Martin na ‘Ang Probinsyano.’


Sa mga nakaraang interview ni Snooky ipinahayag niya kung gaano kabuting asawa ni Ricardo Cepeda.


“I have to admit, yun ang main problem namin. Ricardo was a very good husband, wala akong masabi sa kanya. It was just that mahirap talagang pakisamahan yung isang taong… especially at that point, wala kaming trabaho, nawalan kami ng pera.” 


“Tapos kailangan pa niyang sakyan yung mood swings ko, either mataas na mataas, haping-happy ako or down na down ako na ayaw kong bumangon sa kama, iiyak lang ako,” pagkukwento noon ni Snooky.


Sa ngayon ay nasa custody ng QCPD si Ricardo Cepeda.