Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang ibinahaging post ni Alex Gonzaga.
Batay kasi sa kanyang mga latest post, tila muling may pinagdadaanan silang mag-asawa. Bagama't wala namang nabanggit si Alex marami ang naghihinala na patungkol ito sa pagdadalantao.
Sa isang Facebook post nagpahayag si Alex ng pagkalungkot at saya kalakip ang larawan nilang mag-asawa na tila kino-comfort ang isa't-isa.
"Painful and yet joyful. Cast your cares on the LORD and he will sustain you. He will never let the righteous be shaken. And He did! Today we received a news how God wanted it to be.
"Thank you Lord Jesus. Praying one day by God’s grace we will be able to tell a beautiful testimony on How God answered our prayer. Thank you for the grace that gives us peace and acceptance. It may be painful today but we are joyful that God’s will prevailed. In His own time"
Samantala sa kanyang IG stories ipinahayag naman ni Alex ang kanyang nararamdaman.
"My state of joy. How God can heal and give you faith to accept circumtances you can never control."
May ibinahagi ring animated video si Alex kung saan makikitang may mag-asawang tila nangangarap na magkaroon ng anak subalit ibinalita sa kanila ng doctor na malabo ito na mangyari.
Ayon sa mga fans, baka nahihirapan na umano na magbuntis si Alex, gayunpaman, dapat ay manalig pa rin sila sa panginoon upang mapagbigyan ang kanilang mga hiling.