Agad na sinagot ni Grace Mondina na mas kilala bilang si Marites ang pahayag ni Pambansang Kolokoy na mag move on na lamang siya dahil tatlong taon na umano ang relasyon nila ng bagong niyang girlfriend na si Dawn.
Kamakailan lamang ay inilabas ni Marites ang kanyang reaction video sa interview ni Pambansang Kolokoy sa vlog ni Ogie Diaz.
Sa nasabing video, ipinahayag ni Marites ang kanyang side at isiniwalat pa ang ilang mga baho ni Kolokoy. Kabilang na ang hindi nito pagbabayad ng bills at ang pagpapa cover nito sa kanyang insurance kahit hiwalay na sila. Ginagamit pa rin umano ni Kolokoy ang kanilang mga contents noon para pagkitaan.
Agad itong sinagot ni Kolokoy kung saan ipinunto niya na kailangan nang mag move on ni Marites dahil mahigit tatlong taon na.
“Dapat pag tahimik na ‘yung tao at mukhang masaya na tantanan na at huwag kung ano ano pang paninira ang sinasabi. Mag tatatlong taon na, alam mo ba yung salitang “MOVE ON”?”
Agad namang nagbigay ng reaction si Marites hinggil dito kung saan sinabi niya na tila hayagan nang inaamin ngayon ni Kolokoy na matagal na pala siyang niloloko nito.
Isiniwalat pa ni Marites na noong January 2022 pa lamang sila opisyal na naghiwalay ni Kolokoy.
Ibinahagi pa ni Marites ang ilang mga post nila ni Kolokoy noong 2021 habang inaakala niyang hindi siya nito niloloko.
“So you just admitted you’ve been cheating on me for three years now. We just broke up in January 2022. So stupid. I have moved on. Who wants to be with a cheater, liar, and user?"
Iginiit pa ni Marites na kung totoong nakamove on na si Kolokoy ay idelete na nito ang kanilang mga old videos. Muli din niyang pinagsabihan ang mga ito na huwag na siyang i-stalk sa social media.
"But you and Dawn have not moved on because you guys keep stalking my social media accounts. Moving on means deleting me from your channels.”
Hanggang ngayoan ay hindi pa rin binubura ni Kolokoy ang mga old videos nila ni Marites.