LJ Reyes, Philip Evangelista Wedding Full Video


 Sa wakas ay ikinasal na ang aktres na si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz partner na si Philip Evangelista.


Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan  at photos na kuha sa mula sa kanilang intimate wedding na naganap nitong linggo October 8, 2023.


Naganap ang kanilang wedding sa isang victorian mansion sa Eatons Neck, New York.


Dumalo naman sa nasabing okasyon ang kani-kanilang mga pamilya at kaibigan na labis na nasisiyahan dahil sa wakas ay natagpuan na ni LJ ang lalaking magmamahal sa kanya ng lubos.


Kabilang sa entourage ni LJ Reyes ang kanyang mga anak kina Paolo Contis at Paulo Avelino.


Lutang na lutang ang ka-cutan ni Summer sa flower girl gown habang si Aki naman ang kanilang ring bearer.


Tila hindi naman makapaghintay sa kanilang honeymoon ang dalawa dahil panay ang kanilang tukaan sa harap ng kanilang mga bisita.


Matatandaang ginulat ni LJ Reyes ang kanyang mga followers sa social media noong May dahil sa pagbabahagi ng mga larawan ng engagement niya kay Philip Evangelista.


Sa caption, ibinahagi ni LJ Reyes ang isang bible verse na nagsasaad na ang Diyos ay may tiyak na plano at layunin para sa bawat isa, at na Siya ay nagmamahal at nagmamalasakit sa Kanyang mga tao, kahit na sa panahon ng kahirapan o kawalan ng katiyakan.


Noong 2021, nagdesisyon si LJ Reyes na sa New York na manirahan matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Paolo Contis.