Nagbubunyi ngayon ang mga tagahanga ni Kris Aquino matapos isiwalat ng aktres na malapit na siyang makauwi sa Pilipinas dahil bumubuti na ang kanyang kalagayan ngayon.
Ayon kay Kris Aquino, tinitiis niya ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman sa treatments ng kanyang health conditions.
Nais din umano niyang pasalamatan ang lahat ng mga tao na sumusuporta sa kanya at humihiling sa kanyang lubusang paggaling.
Talagang hindi na makapaghintay si Kris Aquino na makauwi sa Pilipinas dahil miss na niya ang kanyang mga kaibigan at pamilya na hindi niya nakasama sa loob ng ilang buwan na pananatili niya sa ibang bansa.
Bukod dito, namimiss na rin umano ni Kris Aquino na magkaroon ng normal na taste buds. Nangangako naman ang kaibigan ni Kris Aquino na si Chef Sau na ipagluluto siya nito kapag nakabalik na siya ng Pilipinas.
Hiniling din ni Kris sa isang kaibigan niyang jewelier na magkaroon siya ng sariling jewelry sa gusto niyang design.
Ninanais din sana ni Kris Aquino na magpakulay ng buhok, subalit, pinayuhan siya ng isang doktor na bagama't maari naman ay huwag na muna niyang gawin para makaiwas sa mga complications.
Sa kabilang banda, excited din ang mga tagahanga at tagasuporta ni Kris sa nalalapit na pag-uwi nito, hiling nila na sana ay magpagaling pa ito upang matuloy ang nalalapit nitong pag-uwi.