Kim Chiu Nanindigan Na Walang Nilabag Na Batas Sa MTRCB Ang ViceIon!


 Nagbigay na ng reaction ang host-actress na si Kim Chiu sa pag-deny ng MTRCB sa inihain nilang Motion for Reconsideration sa 12 days suspension na ipinataw sa kanila ng ahensya dahil sa paraan ng pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez sa cake icing.


Sa presscon ng bagong hair endorsement ni Kim Chiu, hiningan siya ng reaction hinggil sa kasalukuyang pinagdadaanan ng It's Showtime.


Ayon kay Kim Chiu, walang problema na hindi malalampasan ng It's Showtime.


"Lahat nakakayanan namin, lalo na ang It's Showtime na 13 years na sila sa noontime show and wala namang problema na hindi nakakayanan dahil na rin na test of time na kaming lahat."


Sa ngayon ay tanging si Kim Chiu pa lamang sa lahat ng mga It's Showtime host ang nagbigay ng pahayag sa kasalukuyang pinagdadaanan ngayon ng show. Kung saan tuluyan na silang na suspinde ng 12 airing days.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang iba pang It's Showtime hosts lalong-lalo na sina Vice Ganda at Ion Perez.