Marami ang napapatanong kung bakit tila hindi pinopromote ng aktres na si Bea Alonzo ang kanyang pelikulang 1521 gayung malapit na itong ipalabas sa mga sinehan.
Sa kamakailang vlog ni Ogie Diaz, tila ipinaliwanag niya kung bakit hindi magawang ipromote ni Bea ang nasabing pelikula.
Ayon kay Ogie Diaz, ibinahagi mismo ng staff ni Bea Alonzo sa kanya kung ano-anong mga paghihirap ang pinagdaanan ni Bea Alonzo para sa nasabing pelikula.
Kabilang na dito ang pagpoprovide sa kanyang sariling costume at pagbabayad para sa hotel accommodation ng kanyang team—habang kinukunan ang project sa Palawan.
Sinabi pa ni Ogie Diaz na nagkaroon ng mga haka-haka ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng aktres at ng film producer na si Francis B. Lara Ho na nakabase sa United States of Inspire Studios.
“Meron pong nag-react mula sa staff ni Bea Alonzo, sa team Bea. Ang sabi niya ay hinding-hindi raw makakalimutan ni Bea Alonzo ang ‘1521’ dahil dito siya sa pelikulang ito nakaranas ng kakaiba—ng parang hindi niya naranasan sa ibang production outfit,” pahayag ni Ogie Diaz.
Dagdag pa ni Ogie Diaz, “‘Yung hotel room ni Bea mismo ay sinagot ng producer pero ‘yung hotel room ng kanyang team ay hindi sinagot so ang sumagot ay si Bea,” Diaz said, adding that the bathrooms only had dippers and no showers. “Tapos tsaka lang daw nagkaroon ng [air-conditioned] tent nung ilang araw na lang bago matapos ang pelikula at nasa gubat pa sila.”
Isiniwalat pa ni Ogie Diaz na ang ibang talents sa pelikula ay hindi naman binayaran ng producers tanging picture kasama ni Bea lamang ang kapalit ng kanilang serbisyo.
Maging mga pailaw at iba pang kagamitan sa sets ay mga cheap.
Bukod rito, naaawa umano ang isa sa mga staff ni Bea Alonzo sa aktres dahil tila hindi naramdaman nito ang pagiging bida sa isang pelikula.
