Hindi nagustuhan ng ilang mga netizens ang reaksyon ni Liza Soberano sa isang entertainment sites na pinag-uusapan ang kanyang pangalan.
Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang reaksyon ni Liza Soberano sa mga entertainment sites na nagbigay ng komento patungkol sa tila napurnada niyang career sa Hollywood.
"What type of journalism is this @inquirerdotnet@banderaphl?? You guys are straight up shitting on a young woman’s dreams in the pursuit of clicks and comments. Don’t you guys have more important news to talk about??????" pahayag ni Liza Soberano sa kanyang burado na ngayong tweet sa Twitter.
Hindi naman ito nagustuhan ng mga tagasuporta ng mga nasabing news sites. Iginiit nila na hindi naman ang pangarap ni Liza ang minamaliit at pinupuna kundi ang kanyang ugali at behavior.
Dahil sa reaksyon ni Liza, may mga nagsasabi na dito na lumabas ang tunay na ugali ng aktres at talang inggrata ito.
Dagdag pa ng ilang mga netizens na talagang santa-santita si Liza Soberano.
Narito ang ilan pang komento ng mga netizens.
"Si Ogie lang ang nagtuturo sa kanya na makisama. Kahit sa mga reporters, bilang reporter din si Ogie. At maging magalang sa mga seniors o sa mga katrabaho. Ngayon, tunay na ugali na niya 'yun. Hahaha"
"Kahit nega ang article, pinapansin na just to stay relevant. Lol"
"Santa-santita pala siya all these times."