Nagbigay na ng desisyon ang MTRCB na pinangungunahan ni Lala Sotto, anak ni Tito Sotto na isa sa mga host ng E.A.T, hinggil sa inihaing motion for reconsideration ng It's Showtime.
Matatandaan na kaagad na naghain ng motion for reconsideration ang It's Showtime matapos ilabas noon ng MTRCB ang desisyon nila na patawan ng 12 days suspension ang It's Showtime.
Ayon sa inilabas na desisyon ng MTRCB, ibinabasura nila ang motion for reconsideration ng Its' Showtime.
"The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) released a resolution dated 28 September 2023, denying the Motions for Reconsideration (MR) filed by GMA Network, Inc. and ABS-CBN Corporation."
Ang motion for reconsideration na inihain ng It's Showtime patungkol sa kanilang July 25 episode ay tinanggihan ng MTRCB.
Nauna na rito, isiniwalat ni Lala Sotto sa nagdaang Senate Hearing na nakakatanggap ang kanilang ahensya ng mga request na mas malawigin pa ang suspension ng It's Showtime o di kaya ay tuluyan na itong ipasara.
“There are also a lot of people suggesting to cancel the show. We consider other peoples’ comments too,” pahayag ni Lala Sotto.
Dagdag pa niya, “That is not the only comment that we receive, saying that a 12-day suspension is too much. There are also a lot saying that the show should be canceled or that the number of days should be extended.”

