Naging palaban ang sagot ng Movie and Television Review and Classification Board chairperson na si Lala Sotto sa mga taong nananawagan na magresign na siya sa kanyang posisyon dahil sa pagiging bias niya at sa pagbasura sa inihain na Motion for Reconsideration ng ABS-CBN.
Muling nag-trending sa X, dating Twitter, nitong Huwebes, September 28 ang hashtag #LalaResign matapos ibasura ng MTRCB ang motions for reconsideration o apela na isinumite ng “It’s Showtime” kaugnay sa ipinataw sa programa na 12 araw na suspensyon.
Sa isang press conference ng MTRCB hinggil sa ginawa nilang desisyon sa It's Showtime, matapang na sinagot ni Lala Sotto ang kanyang mga bashers na humihiling na sana ay tuluyan na siyang bumaba sa kanyang pwisto.
Naging direkta din ang kanyang sagot sa kanyang mga bashers, kung saan ipinunto niya na ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho.
“I’m not going to satisfy the whims of my detractors.”