Vice Ganda May Sagot Sa Pagbasura Ng Apela Sa Mtrcb | Lala Sotto Lalong Nainis!


 Trending at usap-usapan ngayon sa social media ang pamimigay ni Vice Ganda ng ayuda sa mga staffs ng It's Showtime na maaapektuhan sakaling hindi uubra ang muling paghahain nila ng Motion For Reconsideration sa MTRCB.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, nagpatawag umano si Vice Ganda ng emergency meeting para sa mga staff upang ipaalam sa mga ito ang kanyang pamimigay ng assistance sakaling matuloy ang 12 days airing suspension sa kanilang show.


Gayunpaman, ang mabibigyan lamang ng ayuda ay ang mga staffs at hindi kasali ang kanyang mga co-hosts.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, hanggang October 19 ang airing ng show dahil pasok pa ito sa window period sa 15 days na pag-aapela para sa nasabing suspension.


Sa kabilang banda, tila naglabas naman ng isang cryptic message si Vice Ganda sa isang video na ibinahagi niya sa social media.


Caption ni Vice Ganda sa kanyang post, "Life isn't about waiting for the rain to stop. It's about learning to dance in the rain. And we dance TOGETHER as a FAMILY."


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang malaking pinagdadaanan ngayon ng It's Showtime dahil pinatawan muli sila ng airing suspension ng MTRCB.


Ito'y dahil sa indecent na paraan ng pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng cake icing sa isang segment ng It's Showtime.