KyleDrea Nangunguna Sa Botohan Ng Stars of the Night Ng Abs Cbn Ball 2023!


 Andrea Brillantes at Kyle Echarri nangunguna sa botohan sa Stars of the ABS-CBN's Ball 2023.


Kahit inanunsyo na nina Kyle Echarri at Andrea Brillantes na nais nilang magsolo sa paparating na ABS-CBN's Ball bukas, gumawa pa rin ng paraan kanilang mga fans na pagsamahin sila sa big event ng ABS-CBN ngayong taon.


Sa inilabas na update ng ABS-CBN ukol sa botohan para sa Stars of the Night ay nangunguna ngayon ang KyleDrea.


Si Andrea Brillantes ang nangunguna sa mga female Kapamilya celebrities. Pumapangawala naman si Belle Mariano na sinundan naman ni Francine Diaz. Pang-apat naman si Jane De Leon na sinundan naman bilang panlima si Janella Salvador.


Nangunguna naman sa mga male celebrities si Kyle Echarri, pangalawa si Seth Fedelin, pangatlo si Donny Pangilinan, sinundan naman siya ni Elijah Canlas at panglima si Daniel Padilla.


Maari pa naman na magbago ang nasa top 5 na ito dahil hindi pa natatapos ang oras ng botohan para sa Stars of the night ng ABS-CBN's Ball 2023.


Kaya naman hindi pa nasisiguro ang pagkakapanalo nina Kyle Echarri at Andrea Brillantes para sa nasabing award. Subalit, tila naiiba naman ang balak ng mga KyleDrea fans lalo pa't hindi nominado ang dalawa sa power couple ng ABS-CBN dahil sa balak nilang pumunta at rumampa ng solo.


Pahayag ni Andrea, "So, kaya din ako excited kasi this is my first walk as a solo artist, and not only a solo artist but like as a single woman. It's my first ever na solo, ako lang. On-cam, off-cam, ako na 'to. Solo na!"