Dating controversial na broadcaster na si Jay Sonza, naka oxygen na ngayon at humihingi ng tulong pinansyal.
Ayon sa aming nakalap na imprmasyon, lumalapit na umano ang pamilya ni Jay Sonza sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para humingi ng tulong dahil sa kanyang mga karamdaman.
Kasalukuyang may pneumonia ngayon si Jay Sonza at nakasaklay na umano sa paglalakad.
“Confined at Viacrucis Medical Hospital, Bansalan, Davao del Sur due to Pneumonia for 6 days now. Mukhang kailangan ko na tulong ng mga kaibigan. Kinakapos na ako para sa gamot na binibili sa labas. Walang government hospital dito sa probinsiya namin.
“Kailangan na saklolo ngayon. Paki relay na lang sa mga gustong makaalalay. Thank you po.
“Nakakawalong tangke na ako ng oxygen since september 19,” panawagan ni Jay Sonza kalakip ang kanyang bank account information.
Matatandaan na pansamantalang nakalaya si Jay Sonza mula sa Quezon City Jail matapos magpiyansa ng P300,000 para sa patung-patong na reklamong kriminal na isinampa sa kanya.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), inaresto si Jay Sonza dahil sa diumano’y syndicated estafa and large-scale illegal recruitment.
Nabansagan din noon si Jake Sonza na ‘fake news spreader’. Marami ring mga netizens ang tila natuwa nang makulong ito.