Maggie Wilson Siniraan Ng Mga Bayarang Content Creators


 Trending at usap-usapan ngayon sa mundo ng showbiz ang pag-amin ng ilang mga content creators na umano'y binayaran sila para sa smear campaign laban kay Maggie Wilson at sa kompanya nitong Acasa.


Sa kanyang Instagram story, isiniwalat ni Maggie Wilson na may hawak siyang mga personal information ng mga involved sa paninira sa kanya. Kagaya ng pangalan ng mga ito at iba pa.


Sinabihan pa niya ang mga content creator na ito na ipadala sa kanila ng rumored boyfriend niyang si Tim Connor ang screenshots ng mga chat sa kanila ng mga taong nag-utos para siraan siya.


“Once we receive it, we will decide whether to include you in our legal action through the criminal justice system. We encourage you to present this within the next 24 hours,” pahayag ni Maggie Wilson.


Ibinahagi rin ni Maggie ang ilang screenshot ng mga TikTok account na nanira sa kanya at sa Acasa.


May mga screenshot pa na ipinakita si Maggie ng mga umano’y group chat kung saan may inaalok ang mga social media pages na may maraming follower sa halagang P8,000 para siraan siya.


Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Maggie Wilson ang video ng ilang content creator na nag-sorry sa paninira sa kanya at umamin na binayaran ng P8,000 para gawin ito.


Inamin din ng content creator na may ipinadala sa kanilang script at litrato na siyang gagamitin para sa paninira laban sa dating beauty queen.