Toni Fowler Maghihimas Ng Rehas? Alamin Bakit!


 Nahaharap ngayon sa tatlong counts ng criminal case ang vlogger, CEO at actress na si Toni Fowler mula sa Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. dahil sa kanyang mga inilabas na music video na may mga maseselang tema.


Kung sakaling matalo sa kaso si Toni Fowler at mapapatunayan na totoong may nilabag siyang batas, maari siyang magmulta sa halagang 6 thousand hanggang 20 thousand pesos bawat video. Maari din siyang makulong sa loob ng 20 years.


Agad itong umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens. May mga nagtatanggol kay Toni Fowler at binabatikos ang KSMBPI kung saan ipinunto nila na bakit ngayon lang nagsampa ng kaso ang nasabing grupo.


Sa kabilang banda, may mga nasiyahan naman sa hakbang na ito ang KSMBPI dahil as wagas ay may tumayo na umanong grupo laban kay Toni Fowler na may koneksyon, maraming followers at may maraming pera.