MTRCB Chair Lala Sotto Sinupalpal at Pinahiya Ang Mga Its Showtime Fans Na Nanawagan Magresign Siya!

Agad na nagviral sa social media ang MTRCB chairperson na si Lala Sotto matapos lumabas ang desisyon ng nasabing ahensya na tuluyang i-deny ang inihaing motion for reconsideration ng It's Showtime sa 12 days suspension na naunang ipinaratang sa kanilang show.


Marami sa mga fans ng It's Showtime ang nanawagan na sana ay magbitiw na sa kanyang posisyon si Lala Sotto. Hinala kasi ng marami na pinepersonal ni Lala Sotto ang It's Showtime dahil katapat ito ng noontime show na pinapangunahan ng kanyang ama na si Tito Sotto.


Trending ngayon sa social media partikular na sa Twitter, ang #LalaResign na ang tinutukoy ay walang iba kundi si Lala Sotto.


Gayunpaman, naninindigan si Lala Sotto na wala siyang ginawang mali dahil hindi naman umano siya sumali sa botohan kung isususpinde ba ang It's Showtime o hindi.


Iginiit din niya na walang katotohanan ang isyu na pinersonal niya ang It's Showtime.


Unbothered din si Lala Sotto sa panawagan ng mga fans na magresign na siya dahil hindi umano niya kailangan na sundin ang kanyang mga detractors.