Hinangaan ngayon ng mga netizens ang mag-asawa na sina Coleen Garcia at Billy Crawford dahil sa pagtuturo nila ng mga tagalog words sa kanilang anak gamit ang mga ABC Cards na may mga larawan at pangalan nito in tagalog.
Napakahusay ng pagkakaturo nila sa bata dahil bukod sa natututo ang mga ito, nai-enjoy pa nila ang iba't-ibang mga larawan.
Marami ang natutuwa dahil tila naiiba ang paraan ng mag-asawa sa pagtuturo sa kanilang anak. Kadalasan kasi sa mga celebrity parents pawang salitang Ingles lamang ang itinuturo sa kanilang mga anak.
Bukod dito, marami rin ang natutuwa dahil sa angking ka cutan ng bata na manang-mana sa kanyang mga magulang.
Matatandaan na ilang taon ding nawala sa mundo ng showbiz si Coleen Garcia dahil nais niyang matutukan ang pagiging ina sa kanilang panganay na anak ni Billy Crawford.
Isa sa dahilan ni Billy Crawford sa kanyang pag-alis sa It's Showtime ay para makapag-focus sa pamilya na binubuo nila nila ni Coleen.
Tila hindi naman sila nabigo dahil maayos naman ang paglaki ng kanilang anak na si Amari.