Muling nagbahagi ng isang nakakatuwang video sa social media ang anak ni Pokwang na si Malia kung saan nagpaalam ito sa kanyang ina na mag sleep over sa kanyang kaibigan.
Ibinahagi ni Malia ang videong ito sa kanyang bagong Instagram account na @malia_tisayngmasa18.
Sa nasabing video makikita ang mag-ina na nag-uusap, bigla na lamang ipinahayag ni Malia sa kanyang ina na nais niyang matulog sa bahay ng kanyang kaibigan. Kinatuwaan naman ng mga netizens at kanilang mga followers ang naging sagot ni Pokwang.
Makikita rin sa nasabing video ang bonding ng mag-ina at kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
"galit si mama kukutusan daw ako hahahahahaa sleep over lang naman e"
Enjoy na enjoy naman ang kanilang mga tagahanga dahil talagang nakakaaliw ang mga personality ng mga ito. Talagang nagmana umano si Malia sa humor ni Pokwang.
Narito ang ilang komento ng mga netizens.
"Parang anak ko to noong last year 7 years old palang sya noon, gusto na nya mag sleep over sa friend nya haha😂. You're still young darling, a big no, okay lang kung mag sleep over din si mommy haha"
"Makinig ka sa mommy mo tisay bawal pa sa age mo ok"
"Hahaha mamang mag start na si Tisay mag sleep over oh no tisay wag muna you're too young hahaha baka pag gising mo iiyak ka kasi wala si mama"