ABS-CBN Nagsalita Na Kaugnay Ng Pagbasura Ng MTRCB Sa Motion for Reconsideration Ng It's Showtime


 Naglabas ng  opisyal na pahayag ang ABS-CBN hinggil sa pagbabasura ng MTRCB sa motion for reconsideration na inihain nila para sa 12 days airing suspension ng show dahil sa ilang mga violations na nagawa ng show.


Kabilang na dito ang icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez, mga violations nina Vhong Navarro at Kim Chiu sa paggamit ng maseselang pahayag at ang robe malfunction ni Regine Tolentino.


Sa inilabas na resolution ng MTRCB nitong hwebes ng hapon, September 28, 2023 naninindigan sila na tama ang kanilang naunang desisyon noong September 4 na suspindihin sa loob ng 12 days ang pagpapalabas ng It's Showtime.


Samantala, ayon sa inilabas na official statement ng ABS-CBN nitong hwebes ng gabi, pinag-aaralan na umano nila kung ano ang susunod nilang hakbang sa pagkakasuspinde ng show.


Siniguro din nila na habang hindi pa final ang desisyon ng MTRCB kung kailan sisimulan ang 12 days suspension sa show ay patuloy pa ring mapapanood ang It's Showtime.


Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga patuloy na sumusuporta sa show sa kabila ng mga pinagdadaanan nito.


"We have recieved the ruling from the MTRCB, indicating that 'It's Showtime' will be suspended for a duration of 12 days from finality of the decision.


"We will submit a Motion for Reconsideration as we humbly maintain that there was no violation of pertinent law.


"We are also committed to working with the MTRCB to ensure that "It's Showtime" can contnue to bring joy and entertainment to our noontime viewers.


"We are truly grateful to the Madlang People for their unwavering love and support for 'It's Showtime'."