Vice Ganda Kaagad Na Humingi Ng Saklolo Sa Gma Executives Matapos Silang Ideny Ng MTRCB!


 Tila nakahanap ng panibagong kakampi si Vice Ganda, matapos kumalat ang balitang pag-deny ng MTRCB sa Motion for Reconsideration na inihain ng It's Showtime dahil sa 12 days airing suspension ng nasabing show.


Ito ay may kaugnayan sa ginawang pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez sa cake icing sa isang segment ng It's Showtime.


Kaya naman nang magkita ang mga GMA at ABS-CBN executive sa kamakailang episode ng It's Showtime, nagkaroon ng positibong pananaw ang Madlang Pipol na magiging maayos din ang lahat sa nasabing show.


Samantala, makikita naman sa isang TikTok video na ibinahagi ng Showtime ang pakikipag handshake ni Vice Ganda sa mga executives ng GMA Network.


Kapansin-pansin namin na labis na ikinatuwa ni Annete Gozon ang pagkikita nila ni Vice Ganda.


Sa kabilang banda, naniniwala ang mga madlang pipol na napag-uusapan na ng ABS-CBN at GMA ang kanilang magiging hakbang hinggil sa kinakaharap na 12 days suspension ng show.