Muling nagbahagi ng video ang dating aktres na si Kaye Abad sa kanyang pamimili sa isang mall at kinatuwaan pa ang nagdaan niyang bodyguards isyu.
Matatandaan na nagtrending noon ang video ni Kaye Abad habang nasa isang supermarket dahil napapalibutan siya ng mga bodyguards.
Agad namang nilinaw ni Kaye na hindi niya binabayaran ang mga bodyguards niya noong mga araw na ito dahil bigay umano ito ng establishment kung saan siya nakipag-collab.
Samanatala, makalipas ang ilang linggo, muling nagbahagi ng video si Kaye Abad ng kanyang pamimili, subalit sa pagkakataong ito ay wala na siyang kasamang mga bodyguards.
Mapapanood sa social media post ng aktres na mag-isa na lamang siya sa kanyang pamimili hindi katulad nung una na pinapalibutan siya ng mga bodyguards.
Nagbiro pa si Kaye Abad, kung saan hinahanap niya ang kanyang mga bodyguards. Nagbiro rin ang kasama ni Kaye Abad kung bakit hindi nagprovide ng bodyguards ang mall kung saan sila namimili.
Samantala, sa isa pang social media post makikita na may bitbit na karton si Kaye Abad.
Pabirong caption niya, "Naka-day off ang mga bodyguards."
"Sometimes daghan kai siya bodyguards but sometimes kargador ra sad baya."