David Licauco Bistado Na Dahil Sa Ginawa Ni Barbie Forteza!


 Barbie Forteza may panibagong nadiskubre kay David Licauco kahit matagal-tagal din silang nagsama noon sa teleseryeng Maria Clara at Ibarra.


Sa muling pagsasama nina Barbie Forteza at David Licauco sa TV adaptation ng Maging Sino Ka Man na kasalukuyan nang umiere ngayon sa Kapuso network, ibinisto ni Barbie ang panibagong discovery niya sa kanyang ka-love team.


Pagbibisto ni Barbie, "Ever since pala na magkasama kami, never siyang nag-tsinelas. So dito sa Maging Sino Ka Man, since lagi siyang naka-tsinelas. Doon ko lang nakita ang mga paa niya. Ang cute pala ng mga daliri niya sa paa."


Ginagampanan ng aktres na si Barbie Forteza ang papel ni Monic sa TV adaptation ng Maging Sino Ka Man na dating pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.


Aminado rin ang aktres na may mga adjustments siya sa kanyang ginagampanan ngayon dahil may mga action scenes na aminado naman siyang hindi niya forte.


Gayunpaman, ginagawa umano ni Barbie Forteza ang lahat para magampanan niya ng maayos ang kanyang role.