Sa latest vlog nina Ranz at Niana ay mapapanood ang pagbisita ng pamilya nina Melai at Jason.
Makikita sa vlog ang bonding ng dalawang pamilya lalong lalo na ang mga batang sina, Mela, Stella at Natalia. Habang abala ang tatlong bata sa paglalaro, kinausap na nina Ranz at Niana sina Melai at Jason p[atungkol sa kanilang binabalak na ampon prank.
Agad namang pumayag sina Melai at Jason sa plano ng dalawa, subalit binalaan nila ang mga ito na hindi basta-basta naloloko ang kanilang mga anak.
Nagbigay pa ng tips si Melai kung paano mapaniwala ang kanilang anak dahil alam umano niya na mga wais ang mga ito. Sinaway naman siya ni Jason at sinabing sundin na lamang ang plano nina Ranz at Niana.
Ayon kay Jason, itry muna ang plano ng dalawa kung gagana ba sa kanilang mga anak.
Para maging kapani-paniwala ang plano, tahimik na umalis sina Melai at Jason upang mas kapani-paniwala ang kanilang prank.
Matapos ang ilang sandali, lumabas na ang dalawang bata, sa pagkakataong ito wala na ang kanilang mga magulang. Tila na sense na ng dalawang bata na pinaprank na sila.
Kaya naman, upang mawala ang hinala ng dalawa kaagad na umarte si Ranz.
"Si kuya Jason at si Ate Melai, sabi nila sa amin, dito daw muna kayo for 30 days."
Agad namang nag-worry ang dalawa dahil wala silang damit na maaring gamitin. Tila unti-unti na ring naniniwala si Mela na totoong iniwan na sila ng kanilang mga magulang.
Para mas makatutuhanan ang prank, nagvideo call pa si Melai sa kanyang mga anak upang ipaliwanag ang sitwasyon.
Subalit, taliwas sa kanilang akala na iiyak si Stella dahil ipinaampon nila ito ng 30 days.
Aliw na aliw naman ang mga netizens sa vlog na ito dahil patunay lamang na talagang napaka wise ng mga anak nina Jason at Melai.