Masayang ibinahagi ng social media influencer na si Whamos Cruz ang pagkikita nila sa personal ni Joselito Achacoso, 55-anyos mula sa Bohol.
Nakarating kay Whamos ang sinasabing kamukha umano niya sa Bohol at mapagkakamalan silang mag-ama.
Kaya naman sa kamakailang vlog ni Whamos, itinampok niya ang personal na pagpunta niya sa bahay ni Joselito sa Bohol upang makaharap ito.
Ayon kay Whamos, matagal na niyang pinaplanong makita ang sinasabing tatay dahil maraming nagta-tag sa kaniya, na para talaga daw na magkamukha sila.
Samantala, naging emosyunal naman si Joselito nang makaharap na niya sa personal ang sinasabing “anak” niya.
“Matagal ko nang pangarap na makita kita. Ngayon natupad na ang pangarap ko. Wala akong masasabi kundi mag-ingat ka,” pahayag nito.
Nangako naman si Whamos na tutulungan niya ang kanyang ama sa abot ng kanyang makakaya.
Matatandaang bukod kay Joselito, naibalita na rin ang pagkakaharap ni Whamos at ang kaniyang “long-lost sister” na talagang kamukhang-kamukha rin niya.
Sa kabilang banda ng totoong ama ni Whamos ay si Tikyo Cruz, na lumabas sa “Daddy’s Girl.”