Matapos maibalitang ikinasal na si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz fiance na si Philip Evangelista, naging sentro ng usapin sa social media kung kailan naman papakasalan ni Paolo Contis ang kanyang nobya na si Yen Santos.
Nitong nagdaang linggo, ikinasal si LJ Reyes sa isang garden intimate wedding sa New York City.
Sa kabilang banda, naging sentro ng usapan nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendel Alvarez ang naganap na kasalan ni LJ Reyes, dahil dito hindi nila napigilan na mabanggit ang dating karelasyon ng actress na si Paolo Contis.
Ngayong nakatagpo na ulit si LJ Reyes ng panibagong pag-ibig, kailan naman kaya papakasalan si Paolo Contis ang kaniyang jowang si Yen Santos.
Sa ngayon ay hindi pa talaga maaring magpakasal sina Paolo Contis at Yen Santos dahil hindi pa annulled ang kasal nila ni Lian Paz, na kasalukuyang may kinakasama na rin ngayon.
Subalit, ang totoong katanungan ngayon ng ilan, kung annulled na sina Paolo Contis at Lian Paz, handa nga ba ang aktor na magkasal kay Yen Santos?