Usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens ang ipinapakitang attitude ni Ion Perez, ngayong sumasabay na ito sa pagiging sikat ni Vice Ganda.
Ayon sa ilang mga netizens, napapansin umano nila na tila feeling entitled na ngayon si Ion Perez at lumalaki na umano ang ulo nito.
Napansin kasi nila ang tila pag-iinarte nito sa isang episode ng It's Showtime.
Marami ang nakapansin na tila umiiwas si Ion Perez sa groufie nila ng mga It's Showtime family. Makikita sa video na nagtatago sa likod ni Anne Curtis si Ion Perez habang kumukuha sila ng family picture.
Nauna rin itong umalis kahit hindi pa opisyal na nagtapos ang kanilang show.
Maging ang mga ViceIon fans ay napansin rin na tila hindi komportable si Ion sa panahong iyon. Ipinunto pa nila na ito ang unang pagkakataon na tila naging uncomfortable si Ion sa show.
May mga nagsasabi naman na baka hindi maganda ang mood ni Ion sa nasabing episode dala ng nalalapit na suspension ng kanilang show na hindi naman lingid sa lahat na ang ginawa nila ni Vice ang pangunahing naging dahilan.
May mga nagsasabi pa na tila may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Vice Ganda sa araw na iyon na hindi naman naiiwasan ng mga magkarelasyon.
Isa pa sa itinuturong dahilan ng mga fans ng ViceIon ay ang naging payo ni Cristy Fermin na hiwalayan na lamang ni Vice si Ion dahil puro kamalasan lamang umano ang dinadala nito sa kanya.