Usap-usapan ngayon sa social media ang trending na pag-amin ni Alden Richards sa totoong naramdaman niya noon para sa ka-loveteam niyang si Maine Mendoza.
Sa kamakailang panayam kay Alden Richards sa programang Fast Talk With Boy Abunda, inamin ni Alden na totong na nainlove siya noon kay Maine Mendoza. Subalit hindi umano siya nanligaw rito.
Agad itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens, may mga AlDub fans na kinilig sa pag-amin ni Alden. Subalit, may mga napataas ang kilay at sinabing tila ginagamit lamang umano ni Alden si Maine para sa publicity ng kanyang bagong movie.
Inaakusahan ngayon ng ilang mga fans ni Maine si Alden Richards na manggagamit. Ginagamit umano nitong muli ang mga delusional fans ng AlDub para kumita ang pelikula nila ni Julia Montes.
May mga naglabas pa ng mga naunang vlog ni Maine na burado na ngayon kung saan kinoll out ni Maine noon ang pagtrato sa kanya ni Alden.
"Deleted blog ni Maine pero may kopya pa rin kami.
After ng Tamang Panahon, dinedma mo siya! 🤣 Nafall? Neknek mo. You see Maine as a competition!"
"sana manahimik na siya and stop using Maine. Isuksok niya yang so-called feelings niya daw sa bulsa niya. No one needs it dahil kasal na si Maine. Besides, kita naman na mas masaya siya sa federasyon niya."
Bukod dito kumakalat din sa Twitter ang mga behind the scene videos kung saan hindi pinapansin ni Alden si Maine. May mga pagkakataon pa na iniiwan ito ni Alden o di kaya ay tinatabig para maunang makalapit sa fans.
Makikita rin sa iba pang mga videos ang pag arte ni Alden ng sweet kay Maine kapag may kamera at fans na nakatutok sa kanila.
Pababa sila ni Maine sa bus at nauuna si Mrs. Atayde pero hinawi siya nitong... para mauna sa mga fans 🥴 pic.twitter.com/MZVgmOQtBi
— Jujubee 🌹 Doctor ni Aling Mila (@VloggerJujubee) October 10, 2023