BeaDom Maingat Sa Pagpili Ng Maging Ninong, Ninang Sa Kanilang Kasal!


 Isiniwalat ni Ogie Diaz na pinag-uusapan na umano nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang ilang detalye patungkol sa kanilang kasal, kabilang na ang pagpipili ng makakasama sa entourage at ang kanilang primary at secondary sponsors.


Naikwento umano ni Dominic Roque kay Ogie Diaz na balak nilang kumuha ng apat na pares ng mga ninang at ninong para sa kanilang kasal ni Bea.


Ang kukunin naman umano nila ay yung mga tao na naging successful ang mga marriage life. Sa makatuwid iyong hindi naghihiwalay at hanggang ngayon ay masayang nagsasama parin.


Naniniwala kasi sina Dominic at Bea Alonzo na ang kanilang magiging ninong at ninang sa kasal ang siyang magsisilbing gabay sa kanila sa tatahakin nilang marriage life.


Nais umano nila na kapag mayroon silang hindi pagkakaunawaan in the future ay may mahihingian sila ng payo iyong hindi sinusukuan ang pagiging kasal.


Isiniwalat din ni Ogie Diaz na magaganap ang kasal nina Dominic Roque at Bea Alonzo sa susunod na taon subalit wala pa umano itong eksaktong buwan at petsa.