Parehong dumalo sa Milan Fashion Week sina Pia Wurtzbach at Heart Evangelista.
Mula pa man noon dumadalo na sa nasabing event ang fashion icon na si Heart Evangelista, inaabangan ang kanyang pagrampa hindi lamang ng mga Pilipino roon sa Milan kundi maging ng mga foreign press.
Samantala, first time naman ni Pia Wurtzbach na makadalo sa Milan Fashion Week ngayong tao. Gayunpaman hindi niya binigo ang mga Filipino fans niya doon.
Maging ang press roon ay napahanga rin sa elegance ng Miss Universe 2015.
Sa kabilang banda, hindi napigil ng ilang mga netizens na gumawa ng intriga dahil tila hindi umano nagpansinan sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach na parehong naroroon sa nasabing event.
Wala rin umanong larawan na magkasama silang dalawa. Isa pa pinanghuhugutan ng mga netizens ay ang kamakailang post ni Jeremy Jauncey kung saan isiniwalat niya na matagal nang gusto ni Pia Wurtzbach na mapasama sa European fashion weeks subalit wala umano silang connection.