Naihatid na sa kanyang huling hantungan ang anak ni Mickey Ablan na si Yzabel Ablan.
Nitong huwebes ng hapon October 12, 2023 inilibing sa La Pieta Memorial Park sa Angeles Pampanga si Yzabel Ablan.
Sa isang Facebook post, ipinasilip ni Mickey Ablan ang kaganapan sa paglilibing nila sa kanyang anak. Makikitang pang yakap-yakap nito ang kabaong ng anak. Nasa tabi naman niya ang kanyang asawa na humahagulhol din sa pag-iyak.
Mensahe ni Mickey, "God above all. I love you so much Yzabel Ablan."
Sa isang panayam noong martes kina Janna at Mickey Ablan, isiniwalat nila na pinag-iisipan nila kung anong klaseng libing ang ibibigay nila kay Yzabel.
"Actually noong time na yun, ang hirap pag-usapan yun, yung libing. 'Paano ba gagawin? Cremation ba? Or normal na libing?' Yung mga ganung decision-making."
Sa huli, napagdesisyonan nila na gawin ang normal na libing para may lugar sila na mapupuntahan kapag namimiss na nila ito at sa tuwing may celebration.
"Gusto kasi ni Mickey... Actually, si Ate Yza mahilig sa celebration, di ba?"
Talagang hindi na malilimutan nina Janna at Mickey ang petsa sa October 7, 2023. Dahil dalawang pangyayari ang naganap sa nasabing petsa, ang pagsilang ni Janna sa anak nila ni Mickey at ang pagpanaw ni Yzabel.