Muli na namang pinatutsadahan ni Rendon Labador ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin.
Bilang sagot sa mga pahayag ni Cristy Fermin, patungkol sa pagkakabura ng ilang sa mga social media accounts niya, ipinahayag ni Rendon Labador na tila kulang na sa dilig si Cristy Fermin kaya mainit ang tingin nito sa kanya.
Matatandaan na ipinayahag noon ni Cristy Fermin na wala namang naghahanap kay Rendon Labador sa ilang mga social media platforms kung saan ito na-ban.
“Nagpapansin naman ito. Huwag na natin siyang bigyan ng panahon… Unang-una walang naghahanap sa kanya. Maraming maligaya na nawala siya,” saad ni Cristy Fermin.
Agad namang nagkomento rito si Rendon Labador at ipinahayag na nagbago na siya. Subalit humirit pa sa huli si Rendon kung saan sinabi niyang hindi nadidiligan si Cristy Fermin.
“Grabe ka naman. Nagbago na nga ako may nasasabi ka parin? Palibhasa hindi ka nadidiligan,” bwelta ni Rendon Labador.
Matatandaan na noon pa man ay binabanatan na ni Cristy Fermin si Rendon Labador dahil sa tila paglaki umano ng ulo nito matapos ipatawag ng MTRCB ang It's Showtime.
Tila naniniwala umano si Rendon Labador na dahil sa kanya kaya pinatawag ang It's Showtime.
“Pero ito pong taong ‘to dispalinghado ang mga opinyon nito. Iniisip po niya dahil pinatawag ni Chairwoman Lala Sotto ang produksyon ng Showtime, siya ang dahilan! Nanalo siya dun sa mga panawagan na kailangang bigyan ng leksyon si Ion Perez at si Vice Ganda."