Arestado, Pura Luka Vega ng Manila Police Department!


 Arestado si Amadeus Fernando Pagante, na mas kilala bilang Pura Luka Vega, nitong Miyerkules ng hapon kaugnay ng kanyang kontrobersyal na "Ama Namin" drag performance.


Ayon sa kumakalat na balita, inaresto ng Manila police ang kontrobersyal na drag queen sa bisa ng warrant of arrest.


Inihain kay Pura Luka Vega ang warrant sa kasong, "offenses of immoral doctrines, obscene publications and exhibition, and indecent shows." Maari namang makapagpyansa si Pura Luka Vega sa halagang P72,000.


Hanggang ngayon ay nasa custody pa rin ng Manila Police si Pura Luka Vega.


Matatandaan na naging laman ng mga balita si Pura Luka Vega matapos nitong gayahin sa isang video ang kasuotan ni Jesukristo.


Agad itong inalmahan ng mga religous group at hiniling na mag public apology si Pura Luka Vega. Subalit, nagfmatigas ang drag queen at nanindigang wala siyang ginawang masama.


Nauna na ring ideneklara bilang persona non-grata sa iba't-ibang lugar si Pura Luka Vega.