Naging mainit na usap-usapan sa social media ang pagrampa ng nag-iisa ni Kim Chiu sa red carpet sa naganap na ABS-CBN's Ball na naganap noong September 30, 2023.
Marami ang nagtataka kung bakit nakasama ni Kim Chiu ang kanyang nobyong si Xian Lim sa nasabing event.
Kaya naman, sa kamakailang guesting ni Kim Chiu sa Magandang Buhay, ibinahagi na niya sa kanyang mga tagahanga kung bakit solo lamang siyang rumampa at wala ang kanyang nobyong si Xian Lim.
Ayon kay Kim Chiu, nasa ibang bansa ngayon si Xian Lim kasama ang mga kaibigan nito. Maayos naman umano itong nagpaalam sa kanya.
“Nasa India siya, kasama niya mga friends niya, nag-motor. Tapos nung na-schedule niya yon, sabi niya ‘kailan ‘yung ball?’. Eh na timing sumakto. So parang, ‘Sige go lang, kaya ko na ito’," saad ni Kim.
Bagama't wala umano ang kanyang nobyo, nag-enjoy pa rin naman umano siya sa party.