Palaisipan para sa ilang mga netizens kung bakit nagawa ni Kris Aquino na hayagang ipaalam sa publiko na wala na talagang pag-asa para sa kanila ni Mark Leviste.
Sa isang Instagram post ni Kris Aquino, hayagan niyang isiniwalat sa publiko na pinagsabihan na siya ng kanyang mga kapatid na linawin na ang estado ng relasyon nila ni Mark Leviste.
Sa nasabing post, ipinagdiinan ni Kris Aquino na wala na talaga sila ni Mark Leviste at talagang nakatuon na lamang ngayon ang kanyang atensyon sa pagpapagaling at sa dalawa niyang anak.
Agad naman itong umano ng samut'-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens.
Hinala ng ilan na tuluyang nagalit si Kris Aquino kay Mark Leviste dahil sa ibinahaging larawan nito kasama si Philip Salvador.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maganda ang relasyon nina Kris Aquino at Philip Salvador.
Samantala, nagreact naman si Kris Aquino sa nasabing larawan kung saan sinabi niya na kahit ang pinakamabait na tao ay may limit rin.