Isa sa mga OG segments ng It's Showtime ang kanilang ibabalik pansamantala habang naka-suspinde ang kanilang show sa loob ng 12 days, ang Stars on 45.
Tampok ng nasabing segment ang mga taong kayang kantahin ang mga classic at new generation songs.
Hinanhanda na rin nila ang isa pang segment para sa adult at kids dance group ang hashtag hephep hooray.
Sa ngayon ay isinasagawa na umano ang mg auditions para sa mga nasabing segments.
Samantala, nagbigay ng saloobin ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz na sakaling matuloy ang 12 days suspension ng It's Showtime, ay i-ere pa rin ito. Papalitan lamang umano ng title at ibang mga hosts.
Dagdag pa ni Ogie Diaz na maliban sa palit title at hosts, sa tingin niya ay magkakaroon pa ng ibang segment ang programa.
"If ever magko-comply ang ABS-CBN sa suspension, feeling ko iibahin nila yung title unang-una at maglalagay sila ng ibang host para magpatuloy ang show. Syempre, may mga segment roon na iba rin."