Tumatak sa isipan at sa puso ng ilang mga netizens ang ibinahaging tula ng isa sa mga Grand Finalist ng Mini Miss U Eury.
Labis na namangha ang mga madlang pipol sa mga salitang ginamit para sa tula ni Eury. Bawat linya kasi ng tula ay tila may koneksyun sa isyung kinakaharap ngayon ng noontime show.
Nabanggit rin sa kanyang tula ang pangalan ni Vice Ganda na labis na nakaantig sa damdamin ng mga fans nito at naging daan para mas maintindihan pa ang tula.
Parte ng tula ni Eury, "Kaya Meme Vice sa icing ng cake huwag nang matakot. Huwag magpatalo sa mga tumitingin at nag-iisip ng kakarampot. Makikita rin nila ang nakikita ng inosente kung mga mata.
"Hindi katanggap-tanggap sa iba, dadating ang panahon na maiintindihan nila."
Nag-umpisa ang isyu ng It's Showtime sa MTRCB nang pinatawag ang nasabing show dahil marami umanong nagrereklamo sa ginawang pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez sa cake icing.
Nabanggit din sa tula ng bata na ang kahilingan na sana ay ipagtanggol din ng mga tao ang It's Showtime.
Hindi naman napigilan ng ilang mga madlang pipol at nang mga hosts ng show ang kanilang emosyon sa madamdaming tula ni Eury.