Binunyag! Pasabog Ang Nakaraan Nina Alden Richards at Mikee Quintos!


 Hinahangaan ngayon ng ilang mga netizens ang matapang na pag-amin ni Mikee Quintos patungkol sa naging feelings niya noon sa Kapuso actor na si Alden Richards.


Kabilang sa mga naitanong kay Mikee Quintos sa kamakailang guesting ng actress sa Fast Talk With Boy Abunda, kung may pagkakataon ba na ginusto niyang magkaroon ng romantic relationship sa kanyang katrabaho.


Sinagot naman ito ni Mikee at inamin na nagkaroon siya ng feelings kay Alden Richards nang makasama niya ito sa iisang teleserye noon.


"Nakilala ko yung pagkatao niya yung sweet siya, na mabait siya, sobrang genuine, sobrang god-fearing."


Inamin naman umano ni Mikee ang kanyang feelings kay Alden Richards subalit binasted daw siya nito.


"And I just had to try to express whatever I was feeling. I couldn't explain it. Sinabi ko yun, straight up. I think nakikita ko na ngayon ang worth ng tapang ko, hindi siya something na ikakahiya ko."


Hindi rin naman umano niya tinatago maging sa kanyang boyfriend ang pagkakagusto niya noon kay Alden Richards.