Melai, Luiz at Robi, Bagong Host Sa Programa Na Kapalit Sa It'S Showtime


 Kapamilya show na It's Showtime papalitan ng panibagong programa na pangungunahan nina Melai Cantiveros, Luis Manzano at Robi Domingo.


Ayon sa aming nakakalap na impormasyon, sa darating na October 14 hanggang October 27 ang ibinigay na araw ng MTRCB para sa suspension ng Kapamilya noon time show na It's Showtime.


Dahil pansamantalang mawawala sa ere ang programa, pansamantala munang maglalagay ng ibang progrma ang Abs-cbn sa timeslot nito.


Sa ngayon ay naghahanda na ang mga host ng ipapalit na programa, sa katunayan ay nag-umpisa na diumano ang taping nito.


Samantala, kumakalat ngayon sa social media na kabilang sa mga magiging host ng programa ang kilalang magagaling na hosts ng ABS-CBN na sina Melai Cantiveros, Luis Manzano at Robi Domingo.


Nagti-taping na umano ang tatlo sa loob ng dalawang araw bilang paghahanda sa nalalapit na pamamaalam ng It's Showtime.


Kumuha ng mga bagong host ang network dahil hindi umano maaring maging host ng ipapalit na show ang dati nang host ng It's Showtime.


Dalawang linggo na makakasama at magpapasaya ang mga panibagong host na sina Melai, Luis at Robi habang suspendido ang It's Showtime.