Agad na bumwelta ang social media personality na si Joel Mondina, na mas kilala rin bilang Pambansang Kolokoy, laban sa dati niyang asawa na si Grace Mondina matapos i-post ng huli ang reaction video sa panayam niya sa talent manager na si Ogie Diaz.
Matatandaan na naging pasabog ang pagsisiwalat ni Marites hinggil sa totoong nangyari sa pagitan nila ni Kolokoy at kung ano ang totoong ugali nito.
Isiniwalat pa ni Marites na umano'y hindi nagbabayad ng bills si Pambansang Kolokoy noong nagsasama pa sila tinawag din niyang stalker ang bagong asawa ni Kolokoy.
“For Dawn Sherrine Esguerra, please stop stalking my social media platforms, you and your minions. You need to move on. You’re already with Joel. You already have him. You can have him. Just grow up. Stop stalking me. Stop saying things that are so mean, so cruel just because I’m living my life.”
Agad namang ipinagtanggol ni Pambansang Kolokoy si Dawn Sherrine, pinagsabihan niya si Marites na mag-move on nalang dahil nananahimik na silang dalawa.
“Dapat pag tahimik na yung tao at mukhang masaya na, tantanan na at huwag kung ano ano pang mga paninira ang sinasabi. Mag tatatlong taon na, alam mo ba yung salitang “MOVE ON”?”
Hindi naman nagpatalo si Marites at sinabing kung totoong nakapag move on na si Kolokoy ay dapat na nitong burahin ang mga videos nila noon.
“Pambansang Kolokoy, prove to your followers you have moved on by taking down my videos with you from your channels. Thank you!”