Kinakaawaan ngayon sa social media ang Kapamilya actress na si Julia Barretto dahil sa naging kasagutan ni Gerald Anderson sa panayam sa kanila sa naganap na ABS-CBN's ball 2023.
Umaani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang maikling sagot ni Gerald Anderson sa katanungan ng mga reporter patungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto lalong-lalo na patungkol sa kanilang pagpapakasal.
Noong September 30, 2023, sabado, naganap ang inaabangang ABS-CBN's Ball na hindi rin naisagawa sa loob ng ilang taon dahil sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN at sa nagdaang pandemya.
Inaabangan ito, hindi lamang ng mga artista kundi maging ng mga fans at higit sa lahat ng mga reporters dahil nabibigyan sila ng pagkakataon na makapanayam ang ilan sa mga naglalakihang stars sa industriya ng showbiz.
Nagpa-unlak naman sa isang panayam sina Gerald Anderson at Julia Barretto, kung saan ibinahagi nila sa mga reporters at sa kanilang mga tagahanga ang estado ng kanilang relasyon.
Ayon kay Gerald, going strong naman ang kanilang relasyon ngayon ni Julia Barretto. Subalit, hindi naman umano naiiwasan na minsan ay may mga bagay silang pinagtatalunan.
Gayunpaman, mas nananaig pa rin ang pagmamahal nila at pagtitiwala sa sa isa't-isa.
Naitanong din kay Gerald Anderson kung nagbabalak na rin ba siyang pakasalan si Julia Barretto, dahil going strong naman ang kanilang relasyon at karamihan sa mga kasabayan niya sa showbiz ay nagpapakasal na rin.
Subalit, tila hindi nagustuhan ni Gerald Anderson ang pang-uusisa ng reporter at naging maikli ang kanyang sagot.
Ayon kay Gerald, marami pang problema sa mundo at darating din sila doon.
"Mas marami pang problema ngayon ang mundo kesa ano. Pero darating tayo jan, basta basta."
Dahil dito, marami ang naawa kay Julia Barretto dahil tila wala umanong balak si Gerald na pakasalan siya at dinamay pa ang problema ng mundo sa kanilang relasyon.
Sa kabilang banda, may mga nagtatanggol naman kay Gerald kung saan ipinunto nilang hindi naman kailangan na makialam ang mga reporters at netizens sa pagpapakasal ng dalawa.