Bumisita ngayong araw sa noontime show na It's Showtime ang mga kasamahan ni Kim Chiu sa teleseryeng Linlang na sina JM De Guzman at Paulo Avelino. Lumabas naman ang kakulitan ng actress at talagang pinagtripan niyang ang mga ito.
Sa opening pa lamang ng show ay naghandog na ang tatlo ng kasiyahan sa mga Madlang Pipol. Pinasample naman kina JM De Guzman at Paulo Avelino ang trending dance na Mini Miss U.
Lumabas pa ang kakulitang ng Chinita Princesss at talagang ni request pa kina JM De Guzman at Paulo Avelino na gawin ang Mini Miss U Dance Challenge na sila lang dalawa.
Magsasama sa teleseryeng Linlang sina Kim Chiu, JM De Guzman at Paulo Avelino. Aminado naman si Kim Chiu na kinakabahan sa panibagong role na kanyang gagampanan dahil ito ang unang teleserye na sasabak siya sa mga mature scenes.