Reklamo Ni Bea Alonzo Sa Kanyang Movie 1521, Inalmahan Ng Producers


 Inalmahan ng producers ang mga isiniwalat ng isa sa mga staff ni Bea Alonzo, patungkol sa naging dahilan kung bakit hindi pinopromote ng actress ang kanyang upcoming film na 1521:The Quest for Love and Freedom.


Ayon sa pagsisiwalat noon ng staff ni Bea Alonzo, hindi pinopromote ni Bea ang kanyang pelikula dahil hindi naman umano ito kabilang sa mga napagkasunduan.


Bukod rito, kaawa-awa umano ang sinapit ng aktres sa kamay ng mga producers dahil si Bea Alonzo mismo ang pinagbayad sa mga costumes na isinuot nito sa film.


Maging ang accomodation ng mga kasama niyang staff ay shoulder lahat ng aktres dahil tanging ang accommodation lamang ni Bea Alonzo ang binayaran ng mga producers.


Maging ang mga kamera at iba pang mga ilaw sa set ay halata umanong cheap.


Agad namang sinagot ng kampo ng mga producers ang mga isiniwalat na ito ng staff ni Bea. Ipinunto nila na walang katotohanan na hindi nila binayaran ang hotel room ng mga staff ng aktres.


Ayon sa producers, si Bea Alonzo ang nagdala ng karagdagang staff sa taping, wala na umano ito sa kontrata kaya naman hindi binayaran ng producers.


Na-delay rin umano ang aircon sa first three days ng taping dahil sa delay sa Manila port. May mga resibo pa umano silang magpapatunay na wala silang kontrol sa nangyari.


Hinggil naman sa costume, hindi umano sumipot si Be Alonzo sa fitting schedule ng production. Sa huli, ginusto ni Bea na iredesign ang kanyang costume at ipagawa ito sa kanyang mananahi. Hindi rin pumayag si Bea na ang production ang aayos nito.


Kaya naman si Bea ang nagbayad sa kanyang costume dahil siya naman ang hindi pumayag sa alok ng production.


Ipinunto rin ng director na lahat ng talents ay binayaran nila at may mga resibo sila rito at payrolls.