Tila hindi na nakapagtimpi si Grace Mondina, na mas kilala bilang Marites sa social media, sa mga ginagawa ng bagong girflriend ni Joel Mondina.
Naglabas na ng pahayag si Grace Mondina, dating asawa ni Pambansang Kolokoy, patungkol sa bagong nobya nito na si Dawn Sherrine Esguerra.
Matatandaan na kamakailan lamang ay isinapubliko na nina Pambansang Kolokoy at Dawn Sherrine Esguerra ang kanilang relasyon at maging ang kanilang paghihintay sa kanilang magiging anak.
Marami naman ang nag-aabang sa magiging komento ng dating asawa ni Joel patungkol rito.
Subalit, mas nakakagulat pa at nakakaintriga ang naging pahayag ni Grace Mondina ng isiwalat niyang iniistalk pala siya ng bagong girlfriend ni Pambansang Kolokoy.
“For Dawn Sherrine Esguerra, please stop stalking my social media platforms, you and your minions. You need to move on. You’re already with Joel. You already have him. You can have him. Just grow up. Stop stalking me. Stop saying things that are so mean, so cruel just because I’m living my life.”
Sa huli, chinallenge pa ni Marites si Dawn na lampasan ang 25 years na pagsasama nila ni Pambansang Kolokoy.
“Good luck na lang sa inyo. I hope you guys will last for 26 years.”