Kim Chiu, Nagmistulang “Baseball” Sa Sampal Ni Maricel Soriano


 Sa naganap na press conference para sa teleseryeng Linlang na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, isiniwalat ni Kim Chiu ang ilan sa mga bagay na bago sa kanya.


Kabilang sa mga isiniwalat ni Kim Chiu ay ang naramdaman niya sa sampalan scene nila ni Maricel Soriano.


Ayon kay Kim Chiu, talagang natigalgal siya sa sampalan scene nila ni Maricel Soriano sa teleserye nilang “Linlang”.


“Sobra po akong natigalgal,” natatawang pag-amin ni Kim Chiu.


Nilinaw naman ni Kim Chiu ang dahilan kung bakit natigalgal siya sa nasabing scene. Hindi lang dahil sa lakas ng sampal kundi dahil natupad na raw ang pangarap niya na masampal ng nag-iisang Diamond Star.


“Siyempe, pangarap ng isang artista na masampal (ni Maria). Bucket list namin ‘yun. Bucket list checked. Ang lala! Kaya abangan n’yo po, isa po ‘yung sa eksenang dapat panoorin kasi talagang baseball. Charot lang!” 


Ipinahayag pa ni Kim Chiu na talagang nagpapasalamat siya dahil nakatrabaho at nakaeksena niya si Maricel Soriano. Kahit pa, labis ang nararamdaman niya kaba habang kinukunan sila.


“Habang ginagawa ko ‘yung eksena, kinakabahan ako. Habang pinanood ko ‘yung eksena na ‘yun, mas kinabahan ako para sa role ni Juliana.


“So, ang galing lang na makatrabaho ang isang Maricel Soriano na ang tagal-tagal na sa industriya pero sobrang down to earth and very accommodating to help ‘yung mga artistang tulad namin,” pagbabahagi pa ni Kim Chiu.