Usap-usapan ngayon sa social media ang tatlong magkakasunod-sunod na cryptic post ng isang myembro ng Kamikazee na si Jay Contreras.
Si Jay Contreras ang lead vocalist ng bandang Kamikazee na kamakailan lamang ay pinalayas sa Sorsogon ni Governor Hamor.
Ayon sa event coordinator, pinalayas sa Sorsogon ang naturang banda dahil sa pambabastos umano ng mga ito sa request ng Governor na picture opportunity.
Nitong lunes, ibinahagi ni Jay sa kanyang Instagram account ang tatlong black in white photo niya kalakip ang caption na, choose love at I choose love.
Hinuha ng mga netizens na ito na ang sagot ni Jay sa mga katanungan sa kanila ng mga netizens patungkol sa pagpapalayas sa kanila sa Sorsogon.
Sa comment section ng kanyang post, makikita naman ang komento ng kanilang mga fans na nagpapahayag ng pagsuporta sa Kamikazee sa kabila ng isyung kinakaharap nila.
Sa kabila nito, marami pa rin ang nagnanais na sana ay ilabas na rin ng Kamikazee ang kanilang side upang maging buo ang kwento.
Hanggang ngayon ay kumakalat pa rin sa social media ang video kung saan ipinahayag ni Governor Hamor na hindi na matutuloy ang performance ng Kamikazee sa kanilang lugar.
Dahil sa pagpapalayas ni Goverbor, sa airport natulog ang Kamikazee.